Inay
Aking inang pinakamamahal
Sa Lunes ay sasapit ang iyong kaarawan,
Ilang taon din kami’y iyong sinamahan
Hanggang ngayo’y nandyan at sa ami’y nagmamahal.
Ilang taon ang hirap mong dinanas
At nung ika’y musmos sa ina ay itinakas,
Nagtiis naghirap
Nanatiling matatag.
Inay naming mahal, salamat sa pagmamahal,
Pag aaruga mo sa amin ay di mapapantayan,
Huwaran ka aming ina,
Ngayon at magpakailanman.
Pagtataguyod sa amin, iyong inuna,
Kasama ng aming butihing ama.
Pasensya na po kayo pareho
Kung hanggang ngayon kayo’y nagtatrabaho.
Opo, kami ay tindera,
Tatay ko naglalako sa kalsada,
Sakay sa bisikleta, nagtitinda ng butse, pilipit at palitaw,
Init ng araw di nya iniinda.
Gusto ko sana sila ay patigilan na,
Para katawan naman nila makaranas ng ginhawa.
Subalit sa tingin ko, hindi ko pa kaya
Kaya tiis muna, aking ama’t ina.
Angkan ata namin lahi ng tindera,
Maglalako, nag iihaw at marami pang iba,
Kahit ako po gumala din sa kalsada
Upang mabenta luto ni ina,
At magkaroon ng baon, papunta sa eskwela.
Magandang karanasan, kaysarap gunitain,
Di ko makakalimutan san man makarating,
KAmi’y inspirasyon, nais kong sabihin,
Huwag susuko, huwag bibitiw.
Tyaga lang at tiwala, laging saloobin.
Nawala na sa title….